Kalinangan sa Kasaysayan ng Asya: HEOGRAPIYA NG ASYA
Ang Heograpiya ay nanggaling s...: HEOGRAPIYA NG ASYA Ang Heograpiya ay nanggaling sa mga salitang Griyego na nangangahulugang “lupa o mundo” at Graphia na nangangah...
Tuesday, November 29, 2016
HEOGRAPIYA NG ASYA
Ang Heograpiya ay nanggaling sa mga salitang Griyego na nangangahulugang “lupa o mundo” at Graphia na nangangahulugang “pagsusulat”. Dahil dito ang heograpiya ay may kahulugang “pagsusulat tungkol sa mundo”. Ang pag-aaral ng mundo, kasama na ang pag-aaral sa pisikal na anyo ng lupa at tubig, klima at iba pang bumubuo nito tulad ng populasyon ng tao, hayop, at halamang nakapaloob dito ay tinatawag na heograpiya. Ang heograpiya ay maraming kinukuhang datos sa iba’t ibang agham pisikal, biyolohikal at sosyal. Ito ay nagbibigay liwanag sa pagkakaayos o distribusyon ng bawat pangyayari at kahulugan nito sa paninirahan ng tao sa isang pook. Sa pag-unawa sa simula ang mga yamang lupa ay nakapagbibigay sa mga historyador ng mga kabatiran kung paano ginagamit ang mga ito.
Ang Kasaysayan o history sa wikang ingles ay nanggaling naman sa salitang Griyego na historia na nangangahulugang “kaalaman o pagkukwento”. Ang mga kaalaman o kwento tungkol sa nakaraan ang bumubuo ng kasaysayan.
Subscribe to:
Posts (Atom)